Washing machine
At heto na nga, maglalaba na ako. Ang unang paglalaba ko sa Australia sa sosyal kong tirahan sa St. Leo’s.
J: (Asan kaya dito ang laundry area. Wala naman ako nakikitang nagkukusot. Wala namang sampayan. Shocks, pano na, paubos na damit ko. Ayoko mag side B. Tanong ako sa reception area. ) Good day. How are you? Would you know where the laundry area is?
R: Yes. It’s there. But you need a token before you could use that.
J: How much would that cost?
R: 1 dollar.
J:Alright. (Grabe naman makikilaba na nga lang may token token pa. Whew!)
Tapos nung nakita ko na yung washing machine, na shock ako. High tech. Hindi ito tulad nung sa amin. Ma, help! Pano na? Kinalma ko sarili ko at nagmasid-masid. Magbasa. Basa naman ako. At nabasa ko na halos lahat ng nakasulat sa machine di pa din ako maalam. Pati yung Español na counterpart. Hahaha! Pero nakuha ko din. Kinapa ko lang ng kinapa. Sabi ko sa sarili ko, pag may pwede pindutin, pindot agad. Hahahaha! Yun amoy downy naman damit ko pagkatapos. But then again, nothing beats Manang Aunor (yung sikat na manlalaba namin sa dorm sa PhilRice).
Mga pintong bumubukas magisa
Yung mga pinto din dito automatic doors karamihan. Hahahah! Nung una ko dito nun, kinabahan ako, mamaya na ako papasok marami pa tao baka di bumukas mapahiya pa ako. Hahaha! Nung umalis yung malapit sa pinto, pasok naman ako, kulang na lang sabihan ko pinto, wag mo ako ipapahiya. Bumukas ka, bumukas ka! Ayun bumukas. Magmula nun, confident na ako dumaan daan dun. Hahahaha! Basta technique lang e, wag ka lang papahalata at parating mukhang sophisticated. Hahahaha! I have yet to learn that.
Bus na maganda
At ang bus. Ang pinakapanalo. Ang mga driver na pareho lang ang takbo sa kurbada at sa normal na daan. Pag lumiliko talaga, kulang na lang e, sitahin ko na. Kung nasa Pilipinas lang ako sasabihan ko na, naimbento na po ang pagmemenor. Hahaha! Yun, para magbayad, kailangan ng go card na tinatapat-tapat lang. Nung una siyang initroduce sa akin, natuwa ako dahil yun pa lang by that time ang familiar ako. Sabi ko pa sa nagbebenta. No worries. I know how to use that. We have that in the Philippines. (Ang concept niya kasi parang MRT lang naman). Oh well, at least nakakapagbiyahe na ako now na di ko kailangang mag hand sanitizer sa dumi ng kamay ko kaaabot ng sukli sa jeep. Hahaha! At ang pinakawinner, isang tiket lang bibilhin mo, valid na sa isang buong araw kahit ilang beses ka sumakay basta sa same zone ka lang punta. Nung nalaman ko yun, naka apat ata ako sakay sa bus nung araw na yun. Ginawa ko talagang private service yung bus. Heheheheh.
Microwave ovens
Dito pala sa amin ay merong microwave oven area. Dito pumupunta ang mga “officially impoverished AusAid scholars” para magpainit ng kanilang mga baon. Yes, kasama ako dun. Natuto na akong magluto. Yung patsamba tsamba ko ay masarap din naman. At partida yun dahil manual kong tinimpla yun, walang tulong ng Ginisa flavour mix. Natuwa lang talaga ako dahil yung area na yun, napupuno siya ng mga AusAid studes lahat. Magkakaramay. Cool na cool magbaon dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment