Masayang orientation

Tuesday, February 23, 2010

Natuwa lang ako nung orientation namin, meron kasing mapa ng mundo tapos pinopoint yung mga bansa na pinanggalingan ng mga estudyante. Mula A hanggang Z yun. Nung umpisa, tig 3, madami na sampu. Pagdating China, 730! Susme. At karamihan sa kanila, paying ha, no scholarship. Yung isa kong friend na Chinese, andito lang daw siya kasi bored siya, hindi niya alam ang direksiyon ng buhay niya sa ngayon. Kaya aral na lang daw siya. Kasi wala daw nasasayang na oras sa pag-aaral. May point din naman siya. Pero ang dami talaga nila. Hahaha!

Anyway, ang cool nung orientation, halos lahat ng bansa sa mundo andito na sa UQ. Nung tinawag yung America, ang yayabang ng mga kano parang may balak na manakop ulit. Hahaha! Nung tinawag yung Spain, sabi ko, subukan niyo ulit kaming sakupin. Hahaha! Yung Japan din, sabi ko, isa ka pa! Nung tinawag yung Botswana, naalala ko si Miriam Quiambao, di ba nakatalo sa kanya taga Botswana? OK lang onti lang sila dito. At siyempre nung tinawag ang Philippines, tayo ako ng matuwid. Ang saya saya!!!! Eleven pala kami na pinoy dito. Yung mga nawawalang mayayaman sa Pilipinas, andito lang katext ko na sila. Yung isa taga Belair sa Sta. Rosa. Nung una sabi niya sa Sta. Rosa siya. Tuwa pa naman ako at proud na sabihin na neighbour lang kami dahil may bahay si kuya sa Cabuyao. Belair pala siya. Naku, nagmukhang squatter subdivision ng kuya ko. Hahahah!

0 comments:

Post a Comment