Ewan ko ba kung bakit alas singko pa lang e dilat na dilat na ako. Ang araw naman kasi dito parang hindi naman lumulubog. Forever na nakangiti. Kaya pag gabi na, iniisip ko na lang parang siesta lang to, matutulog ako kahit tirik ang araw. Kaya ngayon heto ako harap ng laptop at nakikinig sa inemail ng classmate ko na mp3 na isang song na Chinese. Isang kanta daw to about nostalgia... “wang che tso, wang tse tso... wang tse tso...”
Anyway, naiisip ko lang ang mga usapin na tayo daw mga Pinoy ay wala namang siginificant na contribution sa mundo, mga katulong, OFW, whateva.
Sa pagiging katulong, ano namang masama dun, mabuti nga may work. Hindi katulad ng mga tao sa ibang bansa na tumatambay lang, at naghihintay ng unemployment benefits. At least tayo, best in mopping. Nagpapakahirap, pinaghihirapan ang pera natin.
Isa pa, although chinallenge ko na nung isang araw si Si Mr. Mill, isipin niyo na lang, kung walang mga katulong, ewan ko lang kung makapagtrabaho ang mga businessmen na yan, mga scientists. Malamang di naimbento ngayon ang mga makabagong teknolohiya at malamang malala na ang mga traffic sa lansangan dahil sa mga batang napabayaan, kasi walang nagbabantay. Baka magulat na lang sila may batang ginawang playground ang EDSA. O di ba?
Ang mga masisipag nating katulong ay binibigyan ng pagkakataong makapag-isip ang mga taong ito. Ang mga katulong natin ay mas malalim ang pinaghuhugutan ng pagkatao dahil marunong silang magmahal. Ito ay isang katangian na mahirap makalimutan. Mas malalim ito sa pera, sa material na bagay. Ang mga katulong natin ay marunong magpahalaga sa buhay. Kung minsan nga, napapangiti ako pag naiisip ko, ano nga ba ang comparative advantage natin sa isang globalised na mundo? Pagmamahal. Anong henyong bansa sa mundo ang nakaisip niyan? Anong bansa sa mundo ang nakaisip na ialay ang pagmamahal niya sa iba?
Iniisip ko pa, sige nga, kung wala ang mga Pinoy, ewan ko lang kung tumakbo yang mga tsikot nila. Sa Pilipinas kaya ginagawa yang mga loob-looban niyan. Sa bansa nila yung pagpapaganda na lang ng pintura, what a simple job! Sa atin ang mahirap, because our brains have the capacity to do that. Echos! OK sila naman ang umembento. Dont get me started on that.
At isa pa, kung walang mga noypi, ang lungkot siguro ng mundo. Saang bansa ka nakakitang ginawang kanta ang H1N1? “ AH1N1 aking kaarawan...” Hahhaha!. Saang bansa ka nakakita na bumubungisngis pa e inanod na bahay? Napanood ko to sa Raed K, sabi nung isang analyst, “Ang Pinoy ay kayang ngumiti sa gitna ng mga hirap ng buhay dahil punung-puno siya ng pag-asa.”
Sa ngayon ang iniisip ko lang, ay hindi na siguro dapat pinag-uusapan ang ganung mga bagay (bansa ng mga katulong, seaman, at kung anu-ano pa). At bakit ba kasi ito topic ko, wala namang nagsabi sa akin na magsulat ako nito? Hahaha!
Ang mahalaga ay alam natin ang ginagawa natin sa ating mga buhay. Iniisip ko nga, ang mahalaga lang naman ay pahalagahan natin ang mundo, di lang ang Pilipinas, ang mundo, dahil tayo’y mga Citizen of the World.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment