Masayang orientation

Tuesday, February 23, 2010

Natuwa lang ako nung orientation namin, meron kasing mapa ng mundo tapos pinopoint yung mga bansa na pinanggalingan ng mga estudyante. Mula A hanggang Z yun. Nung umpisa, tig 3, madami na sampu. Pagdating China, 730! Susme. At karamihan sa kanila, paying ha, no scholarship. Yung isa kong friend na Chinese, andito lang daw siya kasi bored siya, hindi niya alam ang direksiyon ng buhay niya sa ngayon. Kaya aral na lang daw siya. Kasi wala daw nasasayang na oras sa pag-aaral. May point din naman siya. Pero ang dami talaga nila. Hahaha!

Anyway, ang cool nung orientation, halos lahat ng bansa sa mundo andito na sa UQ. Nung tinawag yung America, ang yayabang ng mga kano parang may balak na manakop ulit. Hahaha! Nung tinawag yung Spain, sabi ko, subukan niyo ulit kaming sakupin. Hahaha! Yung Japan din, sabi ko, isa ka pa! Nung tinawag yung Botswana, naalala ko si Miriam Quiambao, di ba nakatalo sa kanya taga Botswana? OK lang onti lang sila dito. At siyempre nung tinawag ang Philippines, tayo ako ng matuwid. Ang saya saya!!!! Eleven pala kami na pinoy dito. Yung mga nawawalang mayayaman sa Pilipinas, andito lang katext ko na sila. Yung isa taga Belair sa Sta. Rosa. Nung una sabi niya sa Sta. Rosa siya. Tuwa pa naman ako at proud na sabihin na neighbour lang kami dahil may bahay si kuya sa Cabuyao. Belair pala siya. Naku, nagmukhang squatter subdivision ng kuya ko. Hahahah!

Show me an ID please

Sunday, February 21, 2010

Best friend, atin 'to!

Pasensiya na sa pansamantala kong katahimikan. Kinakailangan kasing gamitan ng kaunting isip ang nakaraang mga araw. Kababalik lang ng written assignment namin at ngayon naman ay naghahanda ako sa oral presentation namin. Siyempre pa kinarir ko ang powerpoint. Para na namang piyesta. Pwede kayo magcolors check, unti lang ang wala. Hahaaha!

Anyway, nakita ko na ang isang Pinoy na Pinoy na tindahan dito sa Brisbane, ang BestFriends. Mga Bisaya ang may-ari. Natutuwa ako dahil nagtatagalog talaga mga tao pati sa mga customers. First time kong nakapagtanong ng “magkano to? Pwede bang tingi?” Hahaha! At higit sa lahat, gusto ko sanang pakyawin ang Lety’s Buko Pie! Sa elbi favorite namin yun. Tapos nakakita ako ng mga Nova, Stik-O, naalala ko sari-sari store ni mama.

Sa Bestfriend din lang, habang namimili ako naappreciate ko si mahal. Yung tugtog kasi “Aga, Aga I love ka you, Piolo, Piolo, I like you. Jimboy, Jimboy, I hate you... e kasi naman niyoyoko mo ako.” Hahahha! Grabe tumatawa ako mag-isa habang namimili. Tapos kanta pa si Willy, “Ikaw na nga,ang hinahanap ng puso...” Susme, pinapatay ko radyo sa Pilipinas pag nadidinig ko yun, dito parang gusto kong i replay.

Tapos naexcite ako bigla, tanong ako. Meron ba kayong Bench Eight? Paubos na kasi pabango ko. Tapos sabi nung mama, wala e. Pinakita sakin yung mga Bench products na available. Yung kay Regine at Dingdong Dantes lang ang available. “Ito na lang “Desired””. Sabi ko, magkano ba yan? Tapos mejo mahal siya. “Kasi gamit daw ni Dingdong Dantes yan”. Hahahaha! Tawa talaga ako ng malakas. Parang sa Pinas lang talaga: Bili ka na, dahil gamit ito ni mega! Hahaha! Parang bigla ay gusto kong hanapin, anjan ba yung gamit naman ni Richard Gomez? Ni Aga?

Bored people

Kahapon lumabas ako kasama ng mga Indochina friends ko. Di ko naman alam kung saan kami pupunta sama lang ako kasi ang boring naman sa bahay. Yun pumunta kami sa Dreamworld, parang Enchanted Kingdom natin jan sa Pilipinas. Susme, di ko na ulit gagawin yun.

Una,praktis. Masaya pa yung sasakay ka lang sa bangka, tapos paikot sa isang river, mababasa ka unti. Masaya pa.

Pangalawa, motocoaster. Sasakay ka sa parang motor mga more than 10 kayo sa isang larga. Aarangkada ng napakabilis na walang consepto ng inertia pag nag umpisa ng tumakbo. Angbilis bilis na paikot ikot na kukurbada na para kang titilapon, normal ulit na position, tatagilid, sudden drop, at para kang babangga sa mga poste na nakapalibot sainyo. Mga ganun kayo ng isang minuto.

Pangatlo, Tower of terror. Mga 139 meters na tower, mga 39 floors daw kataas na building, aakyatin niyo mga 12 kayo lahat. Nakaupo kayo, at pag pinindot na go, good luck talaga. Yun daw ang isa sa pinakamabilis na rides sa buong mundo. Hindi pa nakuntento, pag dating ninyo sa taas, titigil kayo ng mga five seconds na parang nakasuwi kayo, tapos aatras ng napakabilis. Ang sigaw ko mula Pasig hanggang QC, wala man lang sumaklolo. Tapos na ride sigaw pa din ako ng sigaw.

Pangapat, The Claw. Dito na ako bumigay. Naiyak na ako halos sa takot. Sakay kayo sa parang malaking swing na pabilog mga 30 ata lahat basta nakapalibot kayo. Tapos i swi swing kayo ng pabilis ng pabilis habang paikot-ikot kayo. Yung unang pasada ang sarap sa pakiramdam. Pero matatakot ka talaga kasi biglang bumibilis tapos yung babae na parang nag mamanage ng ride magsasalita: You cant go away! Whether you like it or not, you’re stuck there. Tapos yun umpisa na ng ugaan, swing, taas sa kanan, swing paitaas sa kaliwa, iikot sa ere and walang anu-anong swing pabalik sa kanan sa mas mataas pa na level, diretso swing pakaliwa sa mataas na level pa. Grabe dumating ako sa point na sumawa na ako sa kasisigaw. Tapos pag dumilat ka, bigla mo makikita ang taas mo, parang ang liit lang nung pinanggalingan mo. Nung kinampay ko yung paa at kamay ko, nagkakatamaan na kami nung katabi ko. Waaaaaa!!!!!!!!!!!!!! Sigaw talaga ako ng sigaw. Tapos nung tapos na, bigla akong napatahimik. Natakot yung mga friends ko. “Jaime are you OK?” di ako nagsasalita mga 5 seconds,dilat lang mata, naluluha. “Yes, im OK. I’m always OK.” Tapos nung bumaba na kami. Sabi nung babae na nagsalita nung umpisa, “sorry to have scared you.” Sabay ngiti pa. Gusto kong sagutin ng “neknek mo!” Hahaha! Matapos mo akong hiluhin sa taas sorry sorry ka jan.
Meron pang mga remaining rides na di ko na tinry, yung giant drop kasi may vertigo ako, di daw pwede pag meron nun. Anyway, aakyat kayo sa kabilang side nung Tower of terror ng dahan-dahan. Tapos stay kayo sa pinakataas ng mga isang minuto tapos bigla kayong ibababa actually ibabagsak. 139 meters! Hahaha!

Yung mga adik kong friends, nag roller coaster pa at yung sinusuwi-suwi na iniikot-ikot sa ere. Di na ako sumama. Nung magkakasama na kami. Comment ako, i think Australians are bored people. Kasi tuwang-tuwa sila sa mga ganun. Susme, makalaglag panga (although exercise sa lungs), parang hihiwalay leeg mo, mababali likod mo, whatever. That wasn’t my idea of having fun. Sino ba kasi nagsabi na sumama ako dun? Hahah! Masaya lang kasi talagang kasama yung mga Indochina friends ko, ambabait pa. Anyway, I won’t recommend Dreamworld. It’s more of a nightmare than a dream. Hahaha! For me, I don’t need to do that. I am happy with my life. Those rides are for bored people.

Random bloopers

Thursday, February 11, 2010

Concept mapping queen

Our lovely learning adviser, after discussing her lesson on concept mapping: If you have any concerns with concept mapping, please do approach me because I am the concept mapping queen! (I told you this is the university of the queens)

One time she forgot something so she needed to go back to her room:
Teacher: I shall return.

Me: Mac Arthur!

Class: Wala lang (di nila alam ang significant na event na yun sa Pilipinas, busy sila. Parang gusto ko silang dalhin lahat sa Leyte at ipakita si Mac Arthur)

One time she was reminding us of our written assignment due two weeks later.: Please work on your written assignment so you have enough time. But if you dont feel the sense of urgency. Relax! I dont care for as long as you give that to me on that day. (Hahaha! Cool!)
Speak up

Example of a good speaker, Barack Obama on Youtube. The rest of the class pointed out the strengths: good voice, he’s got charisma, whateva, while I wanted to stand up and say, gosh, he moves a lot, he’s got mannerisms, look he kept on biting his lips, and i’m sure there’s a teleprompter somewhere. Siyempre di ko sinabi yun. E di kinuyog ako ng mga classmates ko from Africa. Ang lalaki pa naman nila.

After our speaking test, the girl from Pakistan stood up and showed that we should not put our hands on our pocket. Ang taas ng confidence level niya at ang lakas din ng boses, praktisado parang official ata yun sa ROTC nung araw. After that, yung katabi niyang taga Malawi na akala niya ay friend niya na, nagtanong: “Where then do we put our hands?” Sabay ngisi. Ahahaha!

Slip off


Jaime with his friends from Indochina and Mongolia: Guys, tara na kain na tayo. Marami na namang tao sa microwave area.
Friends: (Wala lang, di kumibo.)
Jaime: (Sorry naman gutom na ako.) Guys, let’s eat. I surmise we’re all hungry.
Friends: (Ngiti and tayo na. )

Magandang araw

Tuesday, February 9, 2010

Ewan ko ba kung bakit alas singko pa lang e dilat na dilat na ako. Ang araw naman kasi dito parang hindi naman lumulubog. Forever na nakangiti. Kaya pag gabi na, iniisip ko na lang parang siesta lang to, matutulog ako kahit tirik ang araw. Kaya ngayon heto ako harap ng laptop at nakikinig sa inemail ng classmate ko na mp3 na isang song na Chinese. Isang kanta daw to about nostalgia... “wang che tso, wang tse tso... wang tse tso...”

Anyway, naiisip ko lang ang mga usapin na tayo daw mga Pinoy ay wala namang siginificant na contribution sa mundo, mga katulong, OFW, whateva.

Sa pagiging katulong, ano namang masama dun, mabuti nga may work. Hindi katulad ng mga tao sa ibang bansa na tumatambay lang, at naghihintay ng unemployment benefits. At least tayo, best in mopping. Nagpapakahirap, pinaghihirapan ang pera natin.

Isa pa, although chinallenge ko na nung isang araw si Si Mr. Mill, isipin niyo na lang, kung walang mga katulong, ewan ko lang kung makapagtrabaho ang mga businessmen na yan, mga scientists. Malamang di naimbento ngayon ang mga makabagong teknolohiya at malamang malala na ang mga traffic sa lansangan dahil sa mga batang napabayaan, kasi walang nagbabantay. Baka magulat na lang sila may batang ginawang playground ang EDSA. O di ba?

Ang mga masisipag nating katulong ay binibigyan ng pagkakataong makapag-isip ang mga taong ito. Ang mga katulong natin ay mas malalim ang pinaghuhugutan ng pagkatao dahil marunong silang magmahal. Ito ay isang katangian na mahirap makalimutan. Mas malalim ito sa pera, sa material na bagay. Ang mga katulong natin ay marunong magpahalaga sa buhay. Kung minsan nga, napapangiti ako pag naiisip ko, ano nga ba ang comparative advantage natin sa isang globalised na mundo? Pagmamahal. Anong henyong bansa sa mundo ang nakaisip niyan? Anong bansa sa mundo ang nakaisip na ialay ang pagmamahal niya sa iba?

Iniisip ko pa, sige nga, kung wala ang mga Pinoy, ewan ko lang kung tumakbo yang mga tsikot nila. Sa Pilipinas kaya ginagawa yang mga loob-looban niyan. Sa bansa nila yung pagpapaganda na lang ng pintura, what a simple job! Sa atin ang mahirap, because our brains have the capacity to do that. Echos! OK sila naman ang umembento. Dont get me started on that.

At isa pa, kung walang mga noypi, ang lungkot siguro ng mundo. Saang bansa ka nakakitang ginawang kanta ang H1N1? “ AH1N1 aking kaarawan...” Hahhaha!. Saang bansa ka nakakita na bumubungisngis pa e inanod na bahay? Napanood ko to sa Raed K, sabi nung isang analyst, “Ang Pinoy ay kayang ngumiti sa gitna ng mga hirap ng buhay dahil punung-puno siya ng pag-asa.”

Sa ngayon ang iniisip ko lang, ay hindi na siguro dapat pinag-uusapan ang ganung mga bagay (bansa ng mga katulong, seaman, at kung anu-ano pa). At bakit ba kasi ito topic ko, wala namang nagsabi sa akin na magsulat ako nito? Hahaha!

Ang mahalaga ay alam natin ang ginagawa natin sa ating mga buhay. Iniisip ko nga, ang mahalaga lang naman ay pahalagahan natin ang mundo, di lang ang Pilipinas, ang mundo, dahil tayo’y mga Citizen of the World.

From sunscreen lotion to Cariñosa

Monday, February 8, 2010

Hi Guys! I discovered something. A few weeks ago I bought sunscreen lotion, protection sa sun (hahaha! Malamang). Tapos ngayong umaga ko lang siya ginamit kasi paubos na yung lotion ko galing Pilipinas (lupet nung block and white nakarating ng Australia). Man, ang lagkit niya. Para kang humahaplos ng Elmer’s glue sa balat. Buti na lang hindi nagdikit yung kaliwang kamay ko sa kanan kong braso. Pero OK na din saka waterproof, o di ba? At ang pagbili daw ay nakakatulong sa pagpondo sa skin cancer research.

Last week, bago pa man mag umpisa ang klase namin, habang naghihintay sa mga late, nagpagames ang lecturer namin. Parang word twist ang concept. She wrote a word on our whiteboard then we should guess the words being described. Heto na, sulat siya DORMITORY, guess the two words they start with d and r. Clue, cleanliness or lack of it. Wala pang 10 seconds may sagot na ako (sorry ha mejo mayabang, hahaha), “DIRTY ROOM!” Tapos sabi niya, “ah you’re so cleva” Ako naman na delay ng 3 seconds sa slang niya. After three seconds, palakpak ako. A, clever ang ibig niyang sabihin. Hahaha!!!!

Sa bahay ko, apat na kami. 3 silang Chinese. One time nagdala ng friend niyang Chinese yung isa kong housemate. Feeling ko talaga aping api ako. Nag intsik sila lahat, di ko sila maintindihan. Yun ang ginawa ko dinaan daanan ko sila sa living room namin. Para talaga akong illiterate na di makaintindi. Parang yung sa Mila. Hahaha!

Yung sa concert pala namin ang gaganda ng mga presentations ng bawat bansa. Lalo na yung mga bansa sa Africa, upbeat yung tugtog at maganda talaga. Tapos halos lahat ng presenters, mejo wala ang theme as in parang ati-atihan ang level ng sayaw at kanta. Kami naman, parang mga aristocrata, nag carinosa, aba sushal yun. Kami lang ang naka baro’t saya. Sabi nila, that was lovely! Beautiful, elegant! Yihee!!! Pero guys, ang sarap panoorin ng iba’t ibang kultura. Nakakataba ng puso.

From a Long Pause

I need a hug


I missed writing in this blog.

I missed the comfort that this site gives.

I missed it badly

I missed me.


I hate it when people say that I am so full of me

But it’s the truth that only a few friends can see

I remember those days that you just stand by me

Chatting under the rain, painting my face with glee


I hate it when people say that I am so lost

But it’s their way of saying “we love you most”

I remember those days that you seat by me

Dreaming under the skies, sharing friendship as a key


I missed not just me

I missed them incessantly

I missed the angels who stood by me

I missed writing here.


Can you hug me?

A postcard to heaven (part 2)

Sunday, February 7, 2010


You taught me about love. We talked, we laughed. I cried, you gave me a hug. I lashed out, and you stayed patient. I was down in the dumps, and you lifted me up. You taught me how to love.

We used to exchange letters during the Christmas break. Sometimes, I re-read some of them. Remember when you tried to teach me how to write in Chinese? Instead, I wrote love letters and poetry - which irritated and amused you at the same time.

I remember the smell of your hands - like flowers mixed with watermelons.

Remember when we took a ride on a train track? We were laughing so hard. And then we went to an Italian cafe to grab pasta and then we would talk, talk, talk for long hours. You constantly encouraged me, when I found no reason to believe in myself. I trusted you with all of me.

Everything came crashing down on me as I walked slowly towards you. You looked different. Your sister laid a hand on my shoulder as I walked, trembling. For one single, delirious moment I thought she was you. I didn't want to believe that you were gone.

They say that the old gives way to the new. You said you were prepared to die.

I wasn't ready to let you go.

to be continued


Si John Stuart Mill at ang mop

Saturday, February 6, 2010

Matapos ang isang linggo ng ka coñohan ko, na magsisimula na naman bukas, nakakatuwa at magtatagalog na naman ako ng bonggangbonnga.

Kahapon ay nagkatulong mode ako. Mejo madumi na kasi ang bahay so nagkaroon ako ng mahabang pagdedesisyon: maglilinis ako. Hehehe.

Yun, mejo malaki kasi yung house. Nag walis ako, yung walis namin, yung plastic, kailangan ko maghanap ng walis tambo kasi di naman siya nakakalinis at ang sakit sa braso. Tapos nag mop ako. Grabe tagaktak pawis ko. Habang nag ma mop ako, naalala ko si John Stuart Mill (hahaha! Pakaintelektuwal pa o, nag ma mop na nga lang). Sabi kasi ng mamang yun, may mga tao daw na magagaling kasi may mga tao na nanumpang gawing ang ilang bagay para sa mga tao na iyon. Tulad ng mga katulong. Sabi ni Manong Mill, hindi naman daw magiging napakagaling na maga scientists ang ang mga henyong yun kung magluluto pa sila, maglalaba ng damit, at mag ma mop.

Gusto kong i challenge yun. Kasi pag nag abroad ka, ikaw gagawa ng lahat. Ikaw na ang magpapapkahenyo, ikaw pa ang mag ma mop. Ikaw pa ang magluluto, maglalaba, etc. Sa kabila ng mga requirements mo sa acads tulad ng sang katerbang babasahin, expected ka pa na gawin ang mga gawaing bahay. Hahaha! Malamang di na nga totoo yung sinabi na yun ni Mill.

Anyway, balik tayo sa paglilinis. Grabe napagod talaga ako. Tapos, naisip ko bigla si Cedie, yung munting prinsipe, pero nung naging mahirap siya, nung pinag mop siya sa Palasyo. Tapos nung tapos na ako, di ko na talaga kinaya naitpon ko talaga yung mop. Tapos, nagalit ata, rumesbak, tinamaan ako nung handle sa mukha. Mabuti na lang di malakas. Napasigaw ako, wala man lang tumulong. Narealize ko mag-isa pala ako.

Tapos yun, after ko maging katulong, naging iskolar na ulit ako. Nagsulat na ako ng writing assignment namin. Parang ang bilis ng shift, natawa din ako. Kanina lang ang kapiling ko ay mop, ngayon naman ay ang maganda kong laptop.

Sige.

Talk to the machines (sa bansang di pindot )

Wednesday, February 3, 2010

Washing machine

At heto na nga, maglalaba na ako. Ang unang paglalaba ko sa Australia sa sosyal kong tirahan sa St. Leo’s.

J: (Asan kaya dito ang laundry area. Wala naman ako nakikitang nagkukusot. Wala namang sampayan. Shocks, pano na, paubos na damit ko. Ayoko mag side B. Tanong ako sa reception area. ) Good day. How are you? Would you know where the laundry area is?
R: Yes. It’s there. But you need a token before you could use that.
J: How much would that cost?
R: 1 dollar.
J:Alright. (Grabe naman makikilaba na nga lang may token token pa. Whew!)
Tapos nung nakita ko na yung washing machine, na shock ako. High tech. Hindi ito tulad nung sa amin. Ma, help! Pano na? Kinalma ko sarili ko at nagmasid-masid. Magbasa. Basa naman ako. At nabasa ko na halos lahat ng nakasulat sa machine di pa din ako maalam. Pati yung Español na counterpart. Hahaha! Pero nakuha ko din. Kinapa ko lang ng kinapa. Sabi ko sa sarili ko, pag may pwede pindutin, pindot agad. Hahahaha! Yun amoy downy naman damit ko pagkatapos. But then again, nothing beats Manang Aunor (yung sikat na manlalaba namin sa dorm sa PhilRice).

Mga pintong bumubukas magisa

Yung mga pinto din dito automatic doors karamihan. Hahahah! Nung una ko dito nun, kinabahan ako, mamaya na ako papasok marami pa tao baka di bumukas mapahiya pa ako. Hahaha! Nung umalis yung malapit sa pinto, pasok naman ako, kulang na lang sabihan ko pinto, wag mo ako ipapahiya. Bumukas ka, bumukas ka! Ayun bumukas. Magmula nun, confident na ako dumaan daan dun. Hahahaha! Basta technique lang e, wag ka lang papahalata at parating mukhang sophisticated. Hahahaha! I have yet to learn that.

Bus na maganda

At ang bus. Ang pinakapanalo. Ang mga driver na pareho lang ang takbo sa kurbada at sa normal na daan. Pag lumiliko talaga, kulang na lang e, sitahin ko na. Kung nasa Pilipinas lang ako sasabihan ko na, naimbento na po ang pagmemenor. Hahaha! Yun, para magbayad, kailangan ng go card na tinatapat-tapat lang. Nung una siyang initroduce sa akin, natuwa ako dahil yun pa lang by that time ang familiar ako. Sabi ko pa sa nagbebenta. No worries. I know how to use that. We have that in the Philippines. (Ang concept niya kasi parang MRT lang naman). Oh well, at least nakakapagbiyahe na ako now na di ko kailangang mag hand sanitizer sa dumi ng kamay ko kaaabot ng sukli sa jeep. Hahaha! At ang pinakawinner, isang tiket lang bibilhin mo, valid na sa isang buong araw kahit ilang beses ka sumakay basta sa same zone ka lang punta. Nung nalaman ko yun, naka apat ata ako sakay sa bus nung araw na yun. Ginawa ko talagang private service yung bus. Heheheheh.

Microwave ovens

Dito pala sa amin ay merong microwave oven area. Dito pumupunta ang mga “officially impoverished AusAid scholars” para magpainit ng kanilang mga baon. Yes, kasama ako dun. Natuto na akong magluto. Yung patsamba tsamba ko ay masarap din naman. At partida yun dahil manual kong tinimpla yun, walang tulong ng Ginisa flavour mix. Natuwa lang talaga ako dahil yung area na yun, napupuno siya ng mga AusAid studes lahat. Magkakaramay. Cool na cool magbaon dito.

Wildlife and the not so wildlife

Tuesday, February 2, 2010

Pagdating na pagdating ko dito sa Australia, tuwang-tuwa talaga ako kasi ang linis-linis ng paligid. Mahihiya ka talagang magtapon ng kahit na candy wrapper man lang. Kaya I was so amazed and amused ng makakita ako ng lamok

J: wow! Australian mosquito!

At langaw

J: (San ka nanggaling? Sumama ka sa maleta ko? Well, sabi nga langaw man daw ay may ambisyon din. I concede.) Australian fly!

Sa class namin ni kuya benjie once ay pinakitaan kami ng mga picture ng animals na makikita sa Australia. Possum! Wallaby! Koala! Kangaroo!

Whoa, sa dami ng mga pinakita koala at kangaroo lang ata ang alam ko. Kaya amazed na amazed ako. Kaya sa bawat picture, sabi ko, asteg, lupet, sushal! Nagtataka naman ako bakit wala ata reaction ang mga katabi ko sa akin. Then i realized nagtatagalog pala ako. Hahahaha! OK, react again in English: Wonderful! Awesome! Fantastic! Hahahhaha!

Mabuhay ang mga coño! Mabuhay!

Then our lovely learning adviser brought us some lemmington (ei, please check my spelling). She said, i think most of you are exhausted so i brought you some lemmington! The whole class clapped their hands, at isa pa ata ako sa pinakamalakas mag cheer. Then she asked, you know what lemmington is? Sagot ako ng malakas, I have no idea. Hahahaha!!!!