Si John Stuart Mill at ang mop

Saturday, February 6, 2010

Matapos ang isang linggo ng ka coñohan ko, na magsisimula na naman bukas, nakakatuwa at magtatagalog na naman ako ng bonggangbonnga.

Kahapon ay nagkatulong mode ako. Mejo madumi na kasi ang bahay so nagkaroon ako ng mahabang pagdedesisyon: maglilinis ako. Hehehe.

Yun, mejo malaki kasi yung house. Nag walis ako, yung walis namin, yung plastic, kailangan ko maghanap ng walis tambo kasi di naman siya nakakalinis at ang sakit sa braso. Tapos nag mop ako. Grabe tagaktak pawis ko. Habang nag ma mop ako, naalala ko si John Stuart Mill (hahaha! Pakaintelektuwal pa o, nag ma mop na nga lang). Sabi kasi ng mamang yun, may mga tao daw na magagaling kasi may mga tao na nanumpang gawing ang ilang bagay para sa mga tao na iyon. Tulad ng mga katulong. Sabi ni Manong Mill, hindi naman daw magiging napakagaling na maga scientists ang ang mga henyong yun kung magluluto pa sila, maglalaba ng damit, at mag ma mop.

Gusto kong i challenge yun. Kasi pag nag abroad ka, ikaw gagawa ng lahat. Ikaw na ang magpapapkahenyo, ikaw pa ang mag ma mop. Ikaw pa ang magluluto, maglalaba, etc. Sa kabila ng mga requirements mo sa acads tulad ng sang katerbang babasahin, expected ka pa na gawin ang mga gawaing bahay. Hahaha! Malamang di na nga totoo yung sinabi na yun ni Mill.

Anyway, balik tayo sa paglilinis. Grabe napagod talaga ako. Tapos, naisip ko bigla si Cedie, yung munting prinsipe, pero nung naging mahirap siya, nung pinag mop siya sa Palasyo. Tapos nung tapos na ako, di ko na talaga kinaya naitpon ko talaga yung mop. Tapos, nagalit ata, rumesbak, tinamaan ako nung handle sa mukha. Mabuti na lang di malakas. Napasigaw ako, wala man lang tumulong. Narealize ko mag-isa pala ako.

Tapos yun, after ko maging katulong, naging iskolar na ulit ako. Nagsulat na ako ng writing assignment namin. Parang ang bilis ng shift, natawa din ako. Kanina lang ang kapiling ko ay mop, ngayon naman ay ang maganda kong laptop.

Sige.

0 comments:

Post a Comment