Hi Guys! I discovered something. A few weeks ago I bought sunscreen lotion, protection sa sun (hahaha! Malamang). Tapos ngayong umaga ko lang siya ginamit kasi paubos na yung lotion ko galing Pilipinas (lupet nung block and white nakarating ng Australia). Man, ang lagkit niya. Para kang humahaplos ng Elmer’s glue sa balat. Buti na lang hindi nagdikit yung kaliwang kamay ko sa kanan kong braso. Pero OK na din saka waterproof, o di ba? At ang pagbili daw ay nakakatulong sa pagpondo sa skin cancer research.
Last week, bago pa man mag umpisa ang klase namin, habang naghihintay sa mga late, nagpagames ang lecturer namin. Parang word twist ang concept. She wrote a word on our whiteboard then we should guess the words being described. Heto na, sulat siya DORMITORY, guess the two words they start with d and r. Clue, cleanliness or lack of it. Wala pang 10 seconds may sagot na ako (sorry ha mejo mayabang, hahaha), “DIRTY ROOM!” Tapos sabi niya, “ah you’re so cleva” Ako naman na delay ng 3 seconds sa slang niya. After three seconds, palakpak ako. A, clever ang ibig niyang sabihin. Hahaha!!!!
Sa bahay ko, apat na kami. 3 silang Chinese. One time nagdala ng friend niyang Chinese yung isa kong housemate. Feeling ko talaga aping api ako. Nag intsik sila lahat, di ko sila maintindihan. Yun ang ginawa ko dinaan daanan ko sila sa living room namin. Para talaga akong illiterate na di makaintindi. Parang yung sa Mila. Hahaha!
Yung sa concert pala namin ang gaganda ng mga presentations ng bawat bansa. Lalo na yung mga bansa sa Africa, upbeat yung tugtog at maganda talaga. Tapos halos lahat ng presenters, mejo wala ang theme as in parang ati-atihan ang level ng sayaw at kanta. Kami naman, parang mga aristocrata, nag carinosa, aba sushal yun. Kami lang ang naka baro’t saya. Sabi nila, that was lovely! Beautiful, elegant! Yihee!!! Pero guys, ang sarap panoorin ng iba’t ibang kultura. Nakakataba ng puso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment