Kahapon lumabas ako kasama ng mga Indochina friends ko. Di ko naman alam kung saan kami pupunta sama lang ako kasi ang boring naman sa bahay. Yun pumunta kami sa Dreamworld, parang Enchanted Kingdom natin jan sa Pilipinas. Susme, di ko na ulit gagawin yun.
Una,praktis. Masaya pa yung sasakay ka lang sa bangka, tapos paikot sa isang river, mababasa ka unti. Masaya pa.
Pangalawa, motocoaster. Sasakay ka sa parang motor mga more than 10 kayo sa isang larga. Aarangkada ng napakabilis na walang consepto ng inertia pag nag umpisa ng tumakbo. Angbilis bilis na paikot ikot na kukurbada na para kang titilapon, normal ulit na position, tatagilid, sudden drop, at para kang babangga sa mga poste na nakapalibot sainyo. Mga ganun kayo ng isang minuto.
Pangatlo, Tower of terror. Mga 139 meters na tower, mga 39 floors daw kataas na building, aakyatin niyo mga 12 kayo lahat. Nakaupo kayo, at pag pinindot na go, good luck talaga. Yun daw ang isa sa pinakamabilis na rides sa buong mundo. Hindi pa nakuntento, pag dating ninyo sa taas, titigil kayo ng mga five seconds na parang nakasuwi kayo, tapos aatras ng napakabilis. Ang sigaw ko mula Pasig hanggang QC, wala man lang sumaklolo. Tapos na ride sigaw pa din ako ng sigaw.
Pangapat, The Claw. Dito na ako bumigay. Naiyak na ako halos sa takot. Sakay kayo sa parang malaking swing na pabilog mga 30 ata lahat basta nakapalibot kayo. Tapos i swi swing kayo ng pabilis ng pabilis habang paikot-ikot kayo. Yung unang pasada ang sarap sa pakiramdam. Pero matatakot ka talaga kasi biglang bumibilis tapos yung babae na parang nag mamanage ng ride magsasalita: You cant go away! Whether you like it or not, you’re stuck there. Tapos yun umpisa na ng ugaan, swing, taas sa kanan, swing paitaas sa kaliwa, iikot sa ere and walang anu-anong swing pabalik sa kanan sa mas mataas pa na level, diretso swing pakaliwa sa mataas na level pa. Grabe dumating ako sa point na sumawa na ako sa kasisigaw. Tapos pag dumilat ka, bigla mo makikita ang taas mo, parang ang liit lang nung pinanggalingan mo. Nung kinampay ko yung paa at kamay ko, nagkakatamaan na kami nung katabi ko. Waaaaaa!!!!!!!!!!!!!! Sigaw talaga ako ng sigaw. Tapos nung tapos na, bigla akong napatahimik. Natakot yung mga friends ko. “Jaime are you OK?” di ako nagsasalita mga 5 seconds,dilat lang mata, naluluha. “Yes, im OK. I’m always OK.” Tapos nung bumaba na kami. Sabi nung babae na nagsalita nung umpisa, “sorry to have scared you.” Sabay ngiti pa. Gusto kong sagutin ng “neknek mo!” Hahaha! Matapos mo akong hiluhin sa taas sorry sorry ka jan.
Meron pang mga remaining rides na di ko na tinry, yung giant drop kasi may vertigo ako, di daw pwede pag meron nun. Anyway, aakyat kayo sa kabilang side nung Tower of terror ng dahan-dahan. Tapos stay kayo sa pinakataas ng mga isang minuto tapos bigla kayong ibababa actually ibabagsak. 139 meters! Hahaha!
Yung mga adik kong friends, nag roller coaster pa at yung sinusuwi-suwi na iniikot-ikot sa ere. Di na ako sumama. Nung magkakasama na kami. Comment ako, i think Australians are bored people. Kasi tuwang-tuwa sila sa mga ganun. Susme, makalaglag panga (although exercise sa lungs), parang hihiwalay leeg mo, mababali likod mo, whatever. That wasn’t my idea of having fun. Sino ba kasi nagsabi na sumama ako dun? Hahah! Masaya lang kasi talagang kasama yung mga Indochina friends ko, ambabait pa. Anyway, I won’t recommend Dreamworld. It’s more of a nightmare than a dream. Hahaha! For me, I don’t need to do that. I am happy with my life. Those rides are for bored people.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment