Bigla kong namiss ang dorm. Sa dorm naman kasi, ang daming pwedeng mapagtanungan pag di mo na alam. Dito mag isa ako. Kaya ko to. Ayokong ubusin ang mga dolyar ko sa mahal na pagkain sa labas.
I bear in mind my mantra: mix, mix, put on fire, and ulam na! Hahahaha! After all, meron pa akong “beginner’s luck”. Oh, The Alchemist, I miss that book. “maktub, maktub, it is written”.
Breakfast: something frozen
Fry lang ako ng mga siomai ko. Nung tinanong ako ng Chinese housemate ko sabi ko siomai, di ako naintindihan. I thought Chinese na yun. Anyway, sabi niya, dimsum. Sabi ko, OK. Whew! Gutom ako. Siyempre dapat may kape din. Kaya binuksan ko yung instant coffee ko from coles. Counterpart yan dito ng 3 in 1 ng Nescafe na favourite ko jan pag nagsusulat ako. As in pag pumasok ka opisina naming at hinanap mo ako, sundan mo lang ang amoy ng kape, ako yun. Hahaha!
Lunch: Livestock meets the garden
1.Ang mga sangkap lang nito ay giniling na pork, beans, carrots. Ang sekretong pampalasa, ang Mama sita’s. Hahahah! At siyempre salt and sugar.
2.Tunawin ang Mama sita’s sa tubig. Tapos kasabay nito ay iluto na ang pork. Pag brown na, ilagay ang tinunaw na Mama Sita’s na menudo mix.
3.Tapos, ilagay na ang beans and carrots.
4.Ayos, may ulam na ako.
Dinner: Garden meets the sea (plus tofu)
1.Isangag ang shrimp. Tapos, tanggalin sa kawali. Pag malamig na, balatan.
2.Prituhin ang ginayat na tofu.
3.Ilagay ang ginayat na carrots at beans (carrots at beans pa lang ang nabibili ko dito na gulay. Mamalengke na ulit ako bukas)
4.Tapos ihalo ang mga binalatang shrimp.
5.Ilagay ang tinunaw na Mama Sita’s this time yung chopsuey mix naman. Tapos dagdagan ng asin at asukal.
Tumatama din naman ang tsamba. Hahahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
hay Jaime, napatawa mo talaga ako sa lemmington!
Sobrang na miss ko 'to
Tumama lang ako sa lotto, bibisitahin kita diyan linggo-linggo, hehehe
Post a Comment