Jaime in da city (Australia version)

Saturday, January 16, 2010

Sa airport

Two minutes lang pwede magbaba kaya sa sasakyan pa lang mega plan na ang ate ko sa mga mangyayari sa 2 minutes. Kinuha niya na digicam niya, tapos nakaplano na din ang mga sunud-sunod na yayakapin ko. Hahaha!

Baba sa kotse


Mama: Dali baba ka na anak at ang dami tao.
Jaime: Opo ma.
Ate 1: OK ayan nakababa na. Picture picture. Bilis. O jan ka Pa sa tabi, kuya jan ka sa tabi ni papa...

Yakapan na, si Kuya muna, ate 2, ate 1, papa, and then si mama.

Ate 1: O siya dali na at baka paalisin na tayo dito.

Yakapan ulit part 2, with the same sequence. Hahaha! And siyempre, naiyak mama ko. Tapos habang hila ko yung bag ko, babay kami ng bonggang-bongga. Ng papasok na ako, paglingon ko, nakatingin pa din sila kaya babayan ulit. Pagpasok ko sa airport, may text agad mama ko, miss niya na daw ako.


Sa eroplano Manila to Bangkok

Pagpasok ko pa lang e mejo nawawala ako sa sarili, nagulat na lang ako ng biglang may nagbabow, sudaka ba yun? Paulit-ulit. Ayan, naki bow na din ako. Hahaha! Dis wey plis... hahaha!

Nung nagseserve na ng meal.


Jaime: Excuse me, this one, it has egg?
Attendant: Egg? (Ngingiti muna)
Jaime: yes, i’ve got food restrictions, cant eat eggs.
Attendant: (ba bow then ngingiti). I’ll ask, but yeah i think it has egg yolk. (ngingiti ulit) How about coffee?
Jaime: decaffeinated?
Attendant: (Ngingiti muna) Yes (at magbibigay ng kape)
Jaime: (Checking if decaf nga) decaf?
Attendant: ha? No it’s not. Im sorry we’ll change it. Please wait.
(Ang charming niya ang liit pa, ang cute-cute ng instance na yun)

Sa Bangkok

Mabilis ang paglakad namin ni ate mae dahil lilipad din kami agad. Pero napag-usapn pa namin ang mga buhay-buhay, edad niya, reason for studying abroad, and alot more in less than 10 minutes. Tapos nung marami na kaming napag-usapan, sabay tanong si ate, ano nga ulit pangalan mo? Hahhaha!

Sa loob ng eroplano, ayan at pagpasok may mga nagbabow na naman. Na notice ko lang pare-pareho sila ng head dress, yung mga bata. Yung mejo senior staff nila, ginto o nakaplaster ang ngiti. Haahaha! Miminahin mo ngiti nung senior attendants. Katuwa. Parang ngingiti saglit tapos bigla poker face ulit. Hahahaha!

Katabi ko dalwang aussie girls. Tapos gulat ako sa ibang aussies, kasi ayaw nila maistorbo yung katabi nila na natutulog na, kapag gustio nila umihi, dumudukwang na lang sila, as in! Tawang-tawa na talaga ako nun. Astig di ba?

Tapos bigla nagsalita ang captain, hay, niyak! Katakot ang boses. Ano ba yung salita ng mga Thai, basta yung wika nila muna, then english. Nung di ko maintindihan, sabi ko na lang sa sarili ko, Brisbane na daw maya umaga. Hahaha!

Sa buong 8 hours na flight na yun, wala ako makausap ng matagal. Mabuti na lang at nadala ko si Sophie sa Sophie’s World, muntik ko pang matapos yung book ko kung di lang ako inantok. Ang weird lang kasi natatawa ako mag-isa kay Sophie. Sa PhilRice or nung college pag may mga ganun, mga adik kong friends agad. Siyempre ala naman mga ka barkada ko sa eroplano di ba? Hehehe. Napaka intelektuwal tuloy ng trip ko from Bangkok to Brisbane. Si Sophie, hilung-hilo na sa mga philosophers na inintroduce sa kanya ni Albert Knox. Kawawang bata, pero magaling siya ha, malamang laki sa am yun.



Brisbane airport

THIS ISREALLYISIT! OMG! AM HERE! Hahaha! OK, I composed myself. Took a deep breath, dapat maayos ako pag kaharap ko na immigartion officer para di ako maintimidate. Hehehe.
Pagpasok namin sa Airport, ang sungit nung immigration officer. Sabi niya dun sa babae before me:


Officer: Do you understand this? (papakita sa matanda na babae na parang Chinese)
Babae: (Tatango)
Officer: Can you read this? Read! Read!
Di makabasa yung ale. Sabi ko sa sarili ko, loko to ah. Kawawa yung babae, promise. Tapos nung ako na:
Officer: You speak english?
Jaime: Yes (gusto kong dagdagan ng fluently at You want to see my IELTS speaking score? Yabang niya kasi). Anyway, nalampasan ko yung quarantine etc.

Sundo


Ayan nakita ko agad yung sundo ko hawak ng isang matandang babae. THE UNIVERSITY OF QUEENSLAND!

Jaime to self: Siya ang driver ko???!!! (I approached her.)
Old woman: Hi! You are Jay-me?
Jaime: No, I’m Jaime.
Old woman: (Suspicious) You’re not Jay-me?
Jaime: I pronounce it as Jaime. I’m Jaime Manalo IV
Oldwoman: A, Manalo? Yes. Im not your driver. Your driver is on his way. He will be here in a few minutes. Please wait over there.
Jaime: (Salamat sa surname ko. Yun naghintay ako. Tapos nakakita ako ng internet, yan need to chat my sister, she’s online now for sure, sabi ko sa sarili ko. O di ba English na din ako mag-isip kasi Australia na, katulad ng relo, na synchronise ko na din brain ko. Hahahah! Kaya lang, may bayad yung net. Kaya di ako tumuloy. For sure may libreng internet sa UQ. )
Sinundo ako ng driver ko. Yun. BTW, yung old woman ay driver din. Sinundo niya yung mga pinoy na sa barko naman nagwowork. Nung naovertakean niya yung driver ko na kaibigan niya din, nilabas niya pa dila niya. Hahaha! Ang cool niya talaga. Mga mag 60 na ata yun.


Accommodation

Una agad na pumasok sa isip ko ay hanapin si Claudia Morales. Tanong agad ako dun sa babae. Excited.


Jaime: Hi! Are you Claudia Morales? I’m Jaime Manalo IV.
Receptionist: No, Im not Claudia.
Jaime: (Ganun? Dito ba talaga nagtatrabaho si Claudia sa UQ? In the first place, meron ba talagang Claudia Morales? Naloko ba ako? At kung anu-ano pang kaparanoidan ang naisip ko. Then, I collected myself) OK she must be working somehwere here.
Receptionist: Yes, this is just for your temprary accommodation. (ayan Jaime, temporary accommodation lang naman kasi, mamaya pa si Claudia Koronel este Morales)
Jaime: Thank you. (At dito na nangyari yung mga nauna kong kunuwento, yung binigyan ako ng dinikdik na carrots, hiniwa-hiwang pipino, at may turkey pa. I hope you like turkey sabi nung babae). Sigaw ko sa sarili ko: Rice! Rice!!!!)


The end

0 comments:

Post a Comment