Katahimikan

Monday, January 25, 2010

Kahapon umalis na yung Malaysian housemate ko na si Kai, 21 lang yun. Napakabait na bata. Uwi daw siya ng Malaysia for the Chinese New Year at di na siya babalik dito lipat na siya ng tirahan pagbalik niya. Actually nagkwento siya na tatay niya lang ang naghatid sa kanya sa airport nung papunta siya dito tapos yun larga na siya. Naisip ko halos buong pamilya ang naghatid sa akin at walang katapusang babayan pa yun sa NAIA.

Guys, si Kai ay isa lang sa 2,000 na Malaysians na nakakalat sa buong mundo na pinapaaral ng bansa nila, undergrad not postgrad. Tapos balik ng Malaysia to serve. Astig sila noh.

Anyway, 3 na lang kami dito. Yung 2 Chinese na babae at lalaki. Di kami nag-uusap-usap. Hi and Hello lang. Kung minsan nakakapag-usap pero parang gusto din naming i cut yung conversation dahil sobra kaming walang mapag-usapan. Minsan naisip ko ng lahat ng pwedeng opening pero maikli lang talaga kami mag-usap. Iniisip ko nga gusto ko ng simulan ang mga conversations ko ng “I have a lot of fears”. Yung mga pang umpisa ko pag gusto ko mabully sa dorm namin sa PhilRice. Tapos bibigyan ko sila ng mga pang slumbook na questions, tapos yung favourite nila, favourite ko na rin.

Example:
Jaime: What is your favourite colour?
Housemate: Green!
Jaime: Green is such a lovely colour. It’s so clean. I love it too. Pretty much like the color of trees. (tapos buhay na buhay na ako. Tapos sila onting pilit na ngiti lang.) Ahhhh.

Pero ewan ko ba, di lang talaga nila siguro feel masayado magsalita. Kaya kung minsan kinakausap ko na lang ang sarili ko. Di ako baliw ha, communicating from within lang yun. O di ba, sinicircumvent ko na naman ang mga bagay-bagay. Hahaha! Takot din naman kasi ako masayado sila i joke kasi baka magaling sila sa martial arts. Naalala ko tuloy yung Crouching Tiger, Hidden dragon. Hahaha! But seriously, ambait ng dalawa at masipag.

Minsan sa sobrang katahimikan pagdadating ko from school, kulang na lang kausapin ko ang mga gamit ko: Uy salita naman kayo? Kayo naman o, ba’t ang tahimik niyo? Hahahaha!

Tatantanan ko na sila.

Alam niyo nararamdaman ko na ang feeling ng isang OFW. Yung malayo sa pamilya, etc. Buti nga ako single. Bigla ko tuloy naisip yung mga ka co-scholar ko na may asawa, gustung-gusto na nilang dalhin ang family nila dito. Pero nung session namin dun, they were discouraged to bring their families with them. Dahil sa high cost of living, etc etc. Marami nalungkot. Yung friend kong Kenyan, sabi niya, “I just miss them so much...” prosecutor siya sa Kenya, and may 3 na ata siyang anak. Yung Vietnamese ko naman na friend, 1 week old pa lang yung baby niya nung umalis siya. Buntung hininga.

Di ko na alam kung pano tapusin to. Til next time.

0 comments:

Post a Comment