Sa bago kong bahay atbp

Friday, January 22, 2010

Welcome sa bago kong bahay. I am sharing a house with 1 Chinese guy my age, 1 Chinese girl who is younger by a year I guess, and 1 Malaysian 3 years my junior. The home is very Asian, very homey. I love this place. It can be very quiet here, kahit magsisigaw ako dito keber lang siguro mga kapitbahay ko. May nalaman lang ako, bawal na magingay pag lagpas na 11pm. Pag nag ingay ka, magrereklamo ang mga neighbours. The very powerful neighbours. Hehehe.

By the way, guys, after 1 week, nakaikot na din ako sa ilang mga puntahan dito sa Brisbane: supermarket, mall na sarado na alas singko pa lang, tour around the city, and other areas. My, I should have done that a few days ago kaya lang natakot ako magwander baka makarating ako sa place na may mga cannibals. Hahaha! Paranoid lang talaga ako.

Iniisip ko lang, pag-uwi ko jan sa Pilipinas, negritong payat ako. Grabe, the sun is really hot. Kaya nga unti-unti kong pinapauso ang payong dito. Na miss ko tuloy ang elbi na fashion statement ng mga tao ang payong. Kaya bumili ako ng PAYONG, as in like the one I have there yung brown. Kaya pag dumadaan ako mejo may napapangiti, may napapalingon, bahala sila. Di ko kaya init. Buti na lang at dinamayan ako ng ilang mga Asians.

Tapos, nakapunta na ako sa market dito. Natuwa ako ng nakakita ako ng Palmolive Naturals. Astig! Cheap lang siya sa Pilipinas, international pala siya. Survive na buhok ko nito although gusto ko talaga Clear para iwas dandruff. Ang hinahanap ko na lang ay safeguard at master with glutathione. Malapit na maubos supply ko.

Kanina, nakapunta ako sa isang Asian grocery store. Panay Chinese at Vietnamese ang labels as in tinitingnan ko na lang, ito mukhang toyo, tapos, iikutin ko lalagyan “alam ko may English dito kahit kapiranggot, Ayan, soy sauce nga!” Hahaha! And guess what, ng nakakita ako ng “Mama Sita’s”, muntik pa akong mapasigaw. Sabi ko sa kasama ko na Malaysian, “This is from the Philippines!” Binalik-balikan ko talaga yung barcode to check if it starts in 480, our intl barcode. Nung nabili ko na Mama Sita’s, bigla akong napatanong, ano namang paggagamitan ko nito, di naman ako maalam magluto? Hahaha! Lupet. Ang sarap mag-adik dito.

By the way, yung pera nila dito parang mga play money lang. Ang gaganda kasi saka parang bago parati. Sa atin, gula-gulanit na banat pa din. Yung iba ngang mga bills, ayoko gastusin, una inakala kong play money siya. Hahaha! But then when i realized na magugutom ako, OK na. Ginastos ko na yung play money. Tapos, yung mga coins nila, mas malaki, mas maliit ang value. Yung mga malilit kong coins, di ko pinapansin kasi walang jo, andaming bente singko ah. Pero nung chineck ko yung amount, my, the value is higher! Unti-unti ko na siyang vinalue. Hehehe.

One thing I realized, pag di mo masyado alam yung value ng currency, you don’t seem to give much value to it. Like in my case, bili lang ako ng bili kanina sa supermarket. Tapos nagugulat ako na andaming nabili ng $100 ko. Aba yung PhP 100 ko kain lang ako sa cafeteria namin e nangangalahati na agad yun.

0 comments:

Post a Comment