Kumusta na kayo? Grabe napatahimik ako ng UQ. I was intellectually harassed. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong madaling araw ng natutulog o gumigising ng maaga para magtype dahil baka lumihis ang idea na nasa isip ko. Wala ako kahit na isang exam ngayong sem. Meron lang akong sangkatutak na papers na sinulat. Parang writer pala ha,sige magsulat ka! Hahahaha! Sabi nga,kapoy kaayo!
Andaming mga nakakatawang pangyayari nitong sem. Sa class discussions, ang hirap sumingit kung minsan. Nag eenglis naman tayo sa Pinas pero ewan ko ba, iba Ingles nila di ko maintindihan kung minsan. May mga times na gusto ko magtanong ng ano ulit??? Ha??? May mga times naman na ganado ako at salita ako ng salita. Parati kasi ako nakaslouch. Feeling ko yung mga classmates ko, alam na pag magsasalita na ako: pag uunat na ang likod ko. Ang trend: sit up straight, unat ang likod, then fire! Hahahaha! (He’s gonna talk again!). Grabe ang mga sulatin dito parang theme writing lang na mahaba. Hahaha! Nakakatuwa din naman.
I enjoyed group work. Ang productive ng mga discussions. At bihirang bihira or should I say never kaming nag start ng di sa oras. It’s a blessing that my groupmates were all smart and industrious. Walang nanlalamang. Skill din yung iba iba na kami ng opinion pero bati bati pa din. Naalala ko lang sa maraming pagkakataon sa office or sa maraming lugar sa Pinas pag sumalungat ka, minus one friend ka na. Or tatawagin ka ng pangit or smelly, anything but good words. Hahaha! I’m really happy na matatapos tong sem na to na friends ko lahat. Sana madala ko to sa Pinas para love nila ako lahat. Yihee!
And my housemates. Anlaking pasalamat ko na di nila ako nireklamo ang madalas kong pagkanta. When I get stressed, I sing!. Hahaha! There was one time sa kitchen kumakanta ako habang nagluluto sabi nung housemate ko: ‘You’re like an MP3 player!’ Hahaha! Tapos nung nakita niya ako nung same time nay un na nagbubukas ng de lata gamit kutsilyo kasi ala kami can opener, ‘You’re not just an MP3 player, you’re a can opener too!’ Hahaha! Ang lupet! Sabi nung isa kong friend dito na ADS next time daw na may magcomment na para akong MP3 player sabihin ko daw, di lang basta MP3 player, 3 GB pa. Hahaha! Naku, na realise ko pag na stress ka na, magagawa mo hindi mo mga inaakalang bagay.
Like dito sa house namin, napagbuntunan ko landlord namin. Nagkaleak kasi sa CR at nababasa na sahig. Di naming pinansin hanggang nakakainis na talaga at napagod na ako sa kamamop. Inemail ko landlord. ‘Could you please fix the leak in our toilet?..’. The next day punta siya naayos. Then nakakita ako ng daga sa room ko. Malaki.Muntik na akong mapasigaw. Email ulit ako: “I can assure you I cleam my room regularly... (hulihin ninyo ang daga). And please adjust my door. I noticed that it’s a bit elevated from the floor.’ (siguro sabi ng landlady ko: Ito na ang pinakamaarteng tenant ko!). Hahaha! Tapos naglagay ako ng mga libro sa may pinto para di na talaga makakapasok ang mga daga.
At siyempre pa dumating ang time na lalaban ako sa padumihan ng room. Para kasing pag inayos mo siya malilito na ako. Hahaha! Tapos pag mag uumpisa na ako magsulat, maglilinis naman muna ako. At mga isang oras na linisan yun. Di ako makapagumpisa pag feeling ko may alikabok pa (OA). Hahahaha! Basta dapat makintab na sahig ng room ko at ang table ko kulay puti na ulit, yung di na ulit pwedeng sulatan ng pangalan dahil sa alikabok. Ang saya din ng balik buhay estudyante. Ang target ko makasali sa Australia’s Got Talent pero tapos na ata. Na inspire ako ni Jal Joshua na taga Cebu na first-runner up last year. I believe kaya kong manalo dun. Hahaha! Yabangan na to kaya dito ko na tatapusin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment