This is probably the busiest time of the semester, and this will continue in the next few weeks. Endless readings, group meetings (with some minor fights on the side), this isn’t the best time to blog. But then again, I need a break. May I share with you some of my learning (coping) habits.
I have quite a few assessment papers due in the coming weeks. Pag magsusulat na ako, kailangan ko munang uminom ng coffee, tea (or me), or kahit na anong mainit. Dapat na mag init muna bago ako makapagsulat. Kapag kailangang mag argue ng malupet sa essay dapat kape para mejo highblood ako at ang pintas gene ko ay fully activated.
Siyempre bago ka makapagsulat ng essay kailangan mo munang mag literature review. E ang mga binabasa ko, mejo may kahirapan. So kailangan ko silang i digest. Then I realised ang average ko 2-3 articles per day. Reading lang yun. Habang nagbabasa, kukunot noo ko, magcocomment sa papel pag may disagreement o kakausapin ang papel. Hahah! First reading yun. Usually di ko pa siya maiintindihan so basa ulit. This time iba naman na posisyon. Hihiga na ako. Labas ang kulambo para makapag isip ng maayos. Pag di pa effective, read aloud. Then marerealise ko na mas concern na ako sa pagpronounce ko kesa sa pag intindi ng binabasa kaya silent reading ulit with understanding. Hahaha! Then mastress na ako kaya kakanta na ako. Papatugtugin ko na si Sitti (ang singer na inaantok na pinakanta). Then, makakatulog na ako.
After literature review, kailangan ko silang i group. Aling mga articles ang magkakatulad? Saan ako mag gu grouping? sa excel na lang para matrix agad, malinaw. Yun. Pag na group ko na, outline na. Pag may outline na, sulat na.
Pag mag-uumpisa na ako magsulat kailang may katabi muna akong isang baso ng tubig. Tungga. One paragraph. Tungga ulit. Three sentences, tungga ulit. Tapos bigla kong bibilisan, galit galit muna kahit may text, may chat sa FB! Galit galit muna. Then slow down ulit. Mapapansin ko na may dumi ang laftaf ko, lilinisin ko. Then mapapansin ko, yung keyboard ko may alikabok, hihipan ko. Ay ang desk ko maalikabok, pupunasan ko. Naku, yung lalabhan ko dumadami na. Then tayo, lalagay ang labada sa washing machine. On my way to the laundry area, mapapansin ko na mejo makalat na sa sala. Hmmm, di na naman sila naglinis. So magwawalis ako. Ayan, malinis na ulit. Jaime yung upuan nakatabingi, aayusin ko. Then mapapansin ko mga tsinelas at sapatos di nakaayos, papantayin ko sila. “Bakit ba kasi iba-iba size ng paa ang hirap tuloy pagpantay-pantayin.” Then, madumi na CR, kuskos, kuskos! Ayan, puti pala yung dingding! Hahaha!
Then maliligo kasi madumi na. Rest a bit then back to writing. Saang paragraph na ba ako? Ah, onti na lang to. Papaspasan. Galit galit uli. Matatapos ang first draft. Close ang word file. Then FB time. The next day, aayusin ang references. Kakarerin ang mga punctuations (pag natutunan ko yung software for referencing yari na to), aayusin ang text. Mag spell check. Leave for an hour or more. Then edit. Matang agila, ilabas na! Sana wala mag ingay kung hindi magkakaron ako ng kaaway. Then matatapos. Print, read aloud for readability check. Check sentence fragments. Voila! Submit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment