Pumunta kami kahapon ng mga kaibigan ko sa Gold Coast, isa siyang sikat at sosyal na lugar dito sa Queensland para manood ng Philippine Festival. Yun, we enjoyed it. Sarap ng food nakakita na ulit ako ng siopao, kare-kare, menudo at kung anu-ano pang lutong bahay. Maraming mga pinoy ang hindi na din sanay mag Tagalog. Hahaha! Like nung bumibili ako ng halu-halo.
Jaime: Kuya, tatlo.
Tindero: How many?
Jaime: Tatlo po
Tindero: (Bibigay ang halu-halo) Have you paid?
Jaime: Already. (Hahaha! Lupet)
Yung sa Brisbane naman, ganito din yung taga tinda ng halu-halo. Sabi niya sa amin: how many halow halow? Hahhaha!
Back to Gold Coast.
Ang galing nung mga performers sa concert. They sang the best of OPM hits like “Manila”, “Bongga ka day”, “Awitin mo at isasayaw ko”. Tapos kinanta nung isa yung Big Brother theme na Pinoy Ako. Wala masyado nakakaalam. So nilakasan namin ang kanta ng kasama ko. Pagkakataon na to. Hahahha!
After the concert, nag ikot ikot kami sa perimeter nung area. Andun daw yung Versace Hotel papektyur kami sa may entrance. Lupet nga e. Tapos pasok kami. Ang lakas ng loob namin dahil si Ate Jo ay naka BMW tapos sa parking napagitnaan kami ng Jaguar tapos yung isa pa na sikat din daw yun na sasakyan. Sabi ni ate Jo, ingat lang sa pagbukas ha at baka makasagi tayo. Hahaha!
Tapos yun pasok kami sa Versace Hotel para magkape. Pagpasok pa lang ambango na parang oregano na hindi. Sabi ko ki ate aileen,”Te, anong scent to te? Interesado lang po ako para kasingbango na ito ng room ko. Sabi ni ate aileen, “Ano, linis lang to”. Hahaha!
Siya ikot ikot kami sa may lobby at nagpapektyur ulit kami sa may pool. At may naliligo pa sa lamig na to ha. May naliligo pa dun. Tapos punta na kami para magkape, nakita namin mura lang naman coffee kaya lang pag sa labas kami kumain may pagkain na aside from coffee. So labas kami ang bagsak namin sa McDonald’s. Hahaha! Yun kumain na kami. Masarap naman. Hey by the way harap nung Versace hotel ay Sheraton naman. Sabi ko, “te grabe dapat sa gitna tayo ng dalawa, tapos ang caption sa gitna ng dalawang bonggang hotel ay may mga dukha”. Hahaha!
Pagkatapos naming kumain sa McDo, pumunta kami sa Pacific Fair, mall siya. Yun ang galing nung dalawa kong kasama alam na alam ang mga bonggang stores dun. Like yung “Hermes” na kalahating milyon daw ang isang bag. Ako naman, “bag lang? Isang plant breeding study na yan sa PhilRice! O mahigit 3,000 na kopya na ng tekno bulletin yan. Tapos pag nilabhan yan mamantsahan lang!” Hahaha! Tapos sabi pa ni ate Aileen, bubutasin lang siya ng mga mandurukot sa Pinas. Hahaha! Hindi ko talaga maintindihan yung mga bag na yun. Pumunta din kami sa tindahan ng mga Prada, D&G basta sushal sushalan. Tapos nagpapektur kami sa loob. Nung next shot na namin, lumabas yung parang isa pang staff, tanong kami, pwede magpicture pa? Sabi niya, “Not really.” Suplada. So labas na kami.
The last time magkasama kami ni ate Aileen sa City tumingin kami ng mga relo yung Tagheuer. Lupet kalahating milyon din. Aanhin ko yan! Andaming wall clock sa bahay. Kahit saan ka pumanig may relo na. Pare-pareho naman ng oras. Grabe may diamond daw kasi yun. Naalala ko bigla yung teacher ko sa Chem nung High school, pag inis ka daw sa may mga diamond itapon mo lang daw sa apoy at magiging carbon ulit siya. Tsk, tsk tsk. Basta, inisip ko pag bumili ako ng relo na yun, ilang taong return service ko yun sa PhilRice katapat nun. Hahaha!
In all farirness ang saya ng lakad namin. Kung saan-saan kami nakarating. Ang dami kong nakitang kumikinang pero lahat sila hindi nakakasilaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
"Ang dami kong nakitang kumikinang pero lahat sila hindi nakakasilaw." -sinabi mo friend!!
hi rache!!! am glad we have the same take on this.:D!
hahaha! i love your blog Jaime... nakakatuwa at totoong totoo :) tama ka dyan.. maraming kumikinang pero hindi lahat nakakasilaw :) Kung baga sa akin naman, aanhin ko ang iPhone, talk and text lang naman ang kelangan ko sa phone. hahaha!
- che (BFC)
ei ate Che! Thanks po. Nice to have you around here. bigla akong kinabahan at baka may naisulat akong off the record. Hahhaha! May nagbabasa pala blog namin. :D Thankd for dropping by po.
Post a Comment