Pagkatapos ng IAP biglang nag-iba ang mundo ko. Dati rati, araw-araw ka may ka meet na mga classmates. Ngayon, mag isa na lang ako. Ang hirap na nilang hagilapin, malungkot tuloy. At dahil nakaonline naman lahat, pwede ngang hindi pumasok. One time inemail ko teacher ko nung excuse letter for the conference di siya nagreply.
Tapos nung nagmeet kami sa class, may announcement siya said in a very warm tone: This is postgrad, it doesn’t matter if you show up in class or not. For as long as you pass the requirements, it’s fine. Nyay, hagip ako. Nagiging polite lang naman ako ah. Anyway, si Gwyneth yun.
Nakakatuwa dito kasi ang dami-dami ko ng readings. Ang technique ko: buhay ang text. Interact with it. Kaya ang mga piniprint ko na readings duguan. Mega react ako sa mga claims. Kung nakakapagsalita lang ang papel sasabihin niya: wag namang masyadong diinan ang pagsulat kasi masakit, at pakigandahan ang sulat, tingnan mo dumi-dumi ko na. Hahahhaha!
Bago ako umalis ng Pilipinas, priority ko talaga yung music sa laptop ko. Nung binili ko siya may mga nilagay na music yung mama natuwa naman ako. Magaganda yung tugtog. So nung nag-aaral ako one time, nagpatugtog ako. Maganda umpisa. Soothing. Nag umpisa na si Sheryn Regis. Tapos yung binabasa ko development planning na may mga kung anu anong issues, pero napapangiti ako. Pero basa lang ako. ‘Development planners blah blah...” tapos bibirit na din si Sheryn. Naiimagine ko siya sa ASAP, the jukebox princess. Mabuti na lang mataas talaga boses niya, ang taas.
Kagabi naman si Ninna. Binabasa ko about sa mga problema ng partnership ng world bank at mga NGOs. Background ko, “If I should love again”. Naiiyak naman ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinasapit ng mga NGOs sa pakikipagcollaborate sa WB or dahil kay Ninna. At ayun, bumirit na si Ninna habang ako naman ay napahawak ng mahigpit sa mesa at mas lumapit sa laptop. Grabe apektado ng emosyon ng kanta ang pagbabasa ko. Tapos parang yung nasa isip ko na, may iniwan??? Wala naman. Asan siya sa binabasa ko? Hindi, mali yung kay Ninna ang may iniwan. Whew! Haahhaha!
By the way, new acquisition (parang library), meron na akong bagong printer kasi ang hirap magbasa mula sa laptop nakakasira ng mata. Yihee!!! And take note napagana ko printer ko mag-isa. As in dinibdib ko ang pagbabasa ng manual. Dito daw to, ipasok ang cartridge. Ayan, pasok! Then hinga ako. Anon a? I-on daw ang printer. Hinga. Iinstall ang printer. Hinga ng napakalalim. Asan ang CD??? Asan??? Ay heto. Install, basta yes lang ng yes, pag na no ka di naman matutuloy pag install. Pwede ng mag try magprint. Naku sana OK to. Bat may pawis ako e malamig naman??HAhhaha! ayan, nag print! Palakpak!!! Kung nakikita lang ako ng mga housemates ko baka natakot na sila sakin. Hahhaha!
Have a good day!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hay Jaime, matagal kung hinintay ang post mo, para naman makapag-post ulit ako.
Nakakaaliw talaga ang buhay mo, walang dull moment, hahaha.
Anyway, may orientation ng Aus scholarship dito, sisilip lang ako, baka sakaling di ako makapasa sa Seminaryo at least may pwede pa din akong mapuntahan. dahil miss ko na talagang mag-aral.
Sabi ko nga yung i week na lecture ng theology, cacareerin ko na din. makapag aral lang hahaha.
oh well kitt, go and take it seriously. it's all about having a tight grip on our dreams. You can do it. Nahiya ako actually magpost dahil napaka well thought of nung post mo i ang ipopost ko lang naman mga kalokohan. hahahah!
Post a Comment