Dapat nagbabasa ako ngayon para sa isang malaking essay na kailangan kong isulat. Pero dahil committed ako sa world peace, isusulat ko na lang ito. Para ito sa lahat ng may celphone, email ng email, may facebook at twitter accounts. Para ito sa mga taong nabubuhay sa mundong paunti ng paunti ang oras sa face to face na pag uusap. Ito ay tungkol sa context.
Maraming mga kaibigan ko ang nag break sa mga boyfriend/girlfriend nila dahil sa mga mensaheng natanggap sa celphone, o comment sa fb, etc. Sa aking palagay ito ay dulot ng di pagkakaunawa sa context. Ito ay mahalaga sa isang bansang tulad ng Pilipinas na tinaguriang texting capital of the world. By the way, isusulat ko pala to dapat sa Ingles kaya lang mawawala ang punchline at baka isipin niyo na naman na nagmumula na naman ako sa ibang dimensyon. So sariling wika na lang.
Ang context ay ang mga bagay-bagay na nakakaapekto sa pagtingin o sa aksyon ng isang tao. Ang case study natin ay mga mensahe na natatanggap natin mula sa text, facebook at email. Halimbawa: nag text sayo ang ka relasyon mo: Papunta na ako jan. Hintay ka lang.
Kung hindi mo titingnan ang context, maari mong isipin na :
A: Aba, nagpapahintay, loko to ah, break na.
B: Ano ngayon kung papunta ka na? Bakit kasi di umalis ng maaga-aga. Break na.
C: Ano ba yan walang sense of urgency to. Break na.
At kung anu ano pang masasamang pangitain. Dahil lang yan sa agarang pagbabasa, at hindi pagtingin sa context. Tingnan natin siya habang binibigyan diin ang pagtingin sa context.
Una, isipin mo muna kung anong oras niya nga ba sinned yun. Baka tanghali. Mainit ba? Pag mainit umiinit din ulo niya. Nagmamadali so wala siyang time mag type ng mahaba-haba.
Masipag ba siya magtype? Baka hindi so nabubuhay siya sa panahon ng telegrama, paiiklian ang labanan.
Panganay ba siya? O bosing sa opisina? Kaya siguro mejo bossy ang pag text. Maaring di niya sinasadya yun na maging bossy pero nananalaytay na sa kanya yun. Ang hirap kaya mag change ng roles. Hindi naman siya si Darna o si Superman.
Gutom na ba siya?
Maganda ba bahay niya? Malawak? Serious to kasi may mga pag aaral na nagbabago ang mood natin depende sa kung nasaan tayo. So isipin ninyo kung nasaan ang kausap ninyo kasi may impluwensiya ang nakapalibot sa kanya.
Ikaw pano mo ba binasa text? Nakangiti ka o nakasimangot? Subukan mong basahin ng nakangiti. May nabago ba?
Madumi ba celphone mo? Baka kaya ka naiinis kasi di ka na makapagtype ng mabilis dahil dumudikit daliri mo sa keypad sa lagkit ng celphone mo.
Baka kinakailangan mo magpalit ng default font face sa celphone/computer mo? Serious ulit to. Dahil ang font face ay nakakaapekto sa pagtingin natin ng mga mensahe. Subukan ninyong bumati ng HAPPY BIRTHDAY habang gamit ninyo ay yung font na madalas na ginagamit sa Halloween kung hindi ka masaktan ng binati mo. Nakakatulong din ang pagpalit ng font sa mata. Kahit same family pa siya, nakakarefresh. Ginagawa yan ng gmail kung di niyo napapansin. Nagpapalit palit sila ng mga font na magkakapamilya lang (sans serif). Actually pag di niyo napansin na super obvious pero parang may naramadaman kayo na nagbago, ibig sabhin nun matagumpay sila. Kasi di dapat abrupt ang transition.
Sa mga mag jowa na long distance, isipin niyo din kung ano na season sa lugar ng jowa mo. Baka winter dun e di talaga madalas magtetext/facebook/ etc. Lalo na pag walang heater. Parang centralized na freezer yun. Nakakarelate siya tiyak sa nararamdaman ng mga gulay sa ref niyo.
Marami pa tong kasama. Ang sinasabi ko lang, subukan ninyong mag isip muna bago bumira. Tingin tingin ka muna sa kisame o maglinis ka muna ng bahay kung naiinis ka na gusto mong magpalipad ng kutsara sa galit. Dahil kapag nagtype ka na inis ka. Yun, pinapaypayan ninyo ang apoy na nag uumpisa pa lang sumiga.
Ayan, magbabasa na ako. Hangad ko ay isang mundo na kung saan ang mga tao ay nagngingitian. Ngiti kayo. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment