Sa hindi ko malamang dahilan, ipinanganak akong mahina sa math. Grabe, nung elementary hindi ako maka first honor, parati lang second kasi yung nag first ay parang calculator mag-isip.
Nung highschool napapunta ako sa science class, ang mga kaklase ko ang gagaling. Mas lalo lang nahalata ang kagalingan ko sa math. Actually kaya hindi ako nag honor nung high school dahil sumablay ang grade ko sa math nung third year. Grabe naiyak talaga ako. Gusto ngang tisurin ni mama yung teacher ko na yun. Haha!
Kaya, biyahe agad ako pa Laguna at nakipagsapalaran sa elbi.
Sa elbi, naipasa ko ang math subjects ko sa practice at dasal. Wala na akong ibang ginawa sa mga free time ko nun kundi magsolve ng algebra problems. Kaya pag nag-exam, aba, na solve ko na ito, not necessarily na naintindihan ko siya. Hahaha!
At sa di malamang pagkakataon, ang kinuha kong minor ay economics at ag econ. Matataas na economics ang kinuha ko. Yun, kulang na lang ay umikot ang mga mata ko sa mga graphs na gumagalaw. Sabi ko, ang likut-likot naman ng mga graphs na ito, bat ayaw pumirmi sa isang pwesto lang.
Naalala ko pa sa isang lecture room ng stat na may lampas isang daan ang laman, bigla na lang akong magsasalita, “Pakiulit po yung explanation, di ko po naintindihan.” Tinginan sila lahat sa akin.
Bakit ba?
Si Jaime yun na taga-devcom.
Hay, nakakatawa.
Hanggang ngayon, sa jeep pag mga may .50 na ang suklian at kailangang magmultiply ng three digits, OK na lang.
“Hijo, tama ba sukli mo?” sigaw si Manong driver. Para di na ako magcocompute, magmumukha akong busy sa diyaryo na hawak ko, at reply: “OK na ho ito”
Bakit nga ba kasi may math? Essay writing na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
what a refreshing post, love it :)
at syempre naka relate ako hahaha!
dapat essay na nga lang.
hay sana hindi ito mabasa ng students ko :D sabi ng co-teacher ko, no wonder dyan lang sila magaling.
after all, there are a lot of non-mathematical ways to solve the mathematical problems of this world. Hahaha!
Post a Comment