Jaime in da city!

Sunday, July 5, 2009

Astoria Hotel (while waiting for the start of a meeting)
J: Coffee please
(dating ang order. Aba may milk pa. OK to ah.Tapos yung nasa paligid ko nagbabasa ng diyaryo, basta lahat sila may binabasa kaya dapat may binabasa din ako. I put out my book. Ayan, mas maganda tong binabasa ko. When the meeting was about to start, I asked for the bill.
W: Sir (bigay ang bill).
J: (Kaloka, 80!!! Liit-liit na mug yun, kasi e, dinamihan ko gatas. Dalawang boxes na yun ng 3 in 1 ah. Hehehe) Here.

Marco Polo Hotel, Davao City
(project review)
Friend 1: Ayan na paparating na ang mga Hapon!
Friend 2: Yeah, puyatan na to. Let’s fix ourselves muna. Punta tayo sa room natin.
J: OK. Magagamit na natin ang mga cards na to, slide lang daw to sa door.
Friend 1: Yeah!
(Pagdating sa room, inislide namin yung card and nabuksan na room pero napakadilim)
Friend 1: Oh no, ang dilim!
Friend 2: Cellphone para may ilaw!
J: Ayan may ilaw sa wakas! Shocks ang init.
(We were like that for about 5 min until nag CR ang kasama naming isa and accidentally nailagay ang card sa may lalagyan near the door at nagkailaw!)
All: Switch din pala! Hahaha!

MRT Station, rush hour

J: (What’s this card for? Paano kaya ginagamit to? Ah, tingnan ang mga nauna.
Ng ako na)

J: (Gee, bat ayaw pumasok?)
Friend: Jaime, hurry up heto na train
J: Yeah, anjan na ko. Please wait. (Ang nakita ko yung may red na arrow yung una sa pagpasok. Susmaryosep burado yung akin! Gasgas! Ano ba yan, tatalunin ko na lang to. Hehehe)

PBCom Tower, mag-aapply ng trabaho, nasa elevator

(Ting)

J: (Ang taas ko na, 16th floor! Pano pag lumindol, nagkasunog, naku wag naman sana. Then biglang napapunta sa ground floor. Takbo Jaime, takbo, baka bigla pang sumara! Hahaha!)

Airport

Welcome to NAIA!
J: (Asan kaya ang mga taxi dito. Ayun.)
Sa may labasan lang po yung may mga bus papuntang Cubao.
Driver: Naku hijo, mahal. 300
J: Wag na lang po.
(Kaya yun nilakad ko hanggang sa madaanan ko Nayong Filipino. Sabi siguro nung mga metro aides, ayan mas mabuti pa din kalagayan natin. Naman! Bitbit ko tatlong malalaking bags, may box pa ng A4 na bond paper laman durian)

Whew! You can't have it all.

5 comments:

saLLee said...

Those were the laughs! Kaloka naman Mambo. Chicken (or should I say chick) lang 'yong P80 sa iyo Mambo. Kala mo siguro singko lang noh? LOL.

Buti na nga lang pala at kasama ko si uncle sai sa astoria at amil's tower. dahil inunahan niya akong gamitin ang card, nakapagkunwari ako (pinapawisan pa) na alam ko kung para saan ang "CARD". Ha ha ha.

Anyways, I love reading your stories over and over Mambo. Keep writing! Add some more on the bloopers ha. Energiser baga! You're the best Mambo! Winner! Taas ang bandila (JAIME IN DA CITY)...

-------- said...

uhhh... yeah! i agree with these booboos... haha! nakakatuwa. Natawa ako sa paghahanap ng taxi mosa NAIA.

Noong ako sa NAIA, hindi ko alam san lalabas. mas malupet!

Hanah Hazel Mavi said...

Parang tuloy it's fun to stay in the city to experience the same fate.. haha

Tara na sa city with Jaime wohooooo!!!

Buti na lang, the city didn't swallow you whole. =)

Sokolate_09 said...

These are stress relievers!! Sometimes we just need a good laugh to break away from the pains of work. Nice post!

EEEYHUM said...

haha!!! i believe all of us, at some points in our lives, experience this in one way or another. kakahiya pero nakakaaliw.

naka-relate ako sa MRT. LRT yung akin. pero naman, high school pa ako nun! hehe...

Post a Comment